OPPO F1s: Summer Destination

Sa tuwing sasapit ang panahon ng tag-araw sa bansa
Iisa lang naman ang nasa isip ng mga bata at matatanda
Summer Capital ng Pilipinas, o nasaan ka?
Hanapin lamang ang siyudad ng Baguio at 'wag ng magdalawang isip pa.

Malamig na simoy ng hangin ay siguradong makakamtan mo
Bukod pa sa lamig ay marami ring tourist spots dito
Na siguradong ang lahat ng dadayo ay mae-engganyo
Dahil hindi lang pang-pamilya, pang-isports pa, este pang mag-syota pa kamo.

Umpisahan natin sa parke ng Burnham na kilalang-kilala ng bawat Pilipino
Dahil sa angking ganda nito
Ito ang pangunihang lugar na dinadayo
Sapagkat iba't ibang aktibidad ang naririto
Ngunit ang nangunguna na siguradong kilalang-kilala ninyo
Ay ang boating sa gitna ng lawa habang kinaiinggitan ng mga nakapaligid na tao.

Ang sikat na sikat na Baguio Botanical Garden ang isusunod ko
Sa sobrang ganda ng hardin na nandito
Siguradong ika'y mahihikayat na magtanim na kagaya nito
H'wag lamang damihan ang itatanim mo
At baka dumugin ng mga tao at aakalaing mini Baguio.

Ang Mines View Park naman ang panghuli sa aking listahan
Huli na 'to at baka magmukhang nobela itong aking blog kung aking hahabaan
Kayo rin ay siguradong maiinip sa sobrang haba ng talaan
Kaya akin itong binawasan upang hindi niyo ako iwanan.

Ngunit hindi gaganda ang inyong pagbisita sa siyudad na ito
Kung walang pictures kayong kukunan mula dito
Ngayon, kung hindi makapili kung anong gadget ang dadalhin niyo
Meron ako ditong sikreto na mula pa sa baul ng lolo ko
At ito ay ang napaka-gandang F1s Selfie Expert ng Oppo.

Ano ba ang mayroon sa mumunting gadyet na ito
Aba, iha't iho
Kung pang-selfie lang ang hanap mo
Ito na yata ang nakita kong pinaka-matino
Bakit kamo?
Kung ang iba ay Camera sa likod ang maliwanag at hirap pang-selfie nito
Ibahin mo itong gamit ko
Dahil sa camera sa harap ng cellphone na 'to
Tunay ngang sa selfie, ito ay isang eksperto.
Photo Courtesy: http://www.oppo.com/
Nagkataon ba na haggard ang itsura mo sa araw na pagpunta mo?
H'wag kang mag-alala dahil mayroon itong Beautify 4.0
Na siguradong magpapataas ng self-confidence sa pagpost ng selfie mo
Sapagkat kahit wala ka pang tulog ng isang linggo
Kahit sa sarili mo ay masasabi mong "Ang ganda ko!"
Photo Courtesy: http://www.oppo.com/
Photo Courtesy: http://www.oppo.com/
Mag-isa ka ba o grupo kayo?
H'wag kang mag-alala dahil hindi ka mahihirapan dito
Dahil sa Selfie Panorama na meron ito
Kahit labin-dalawa pa kayo ay siguradong makukuha mo.
Photo Courtesy: http://www.oppo.com/

Iilan lamang ang mga features nito na nabanggit ko
Kung nagdadalawang isip, ba't di mo subukang gamitin ito
Upang maranasan mo nang aktuwal at ma-amaze dito
Pagkatapos ay punuin mo na ng pictures ang Instagram account mo.


Pagtatatuwa: Ang akdang ito ay parte ng paglahok ko sa Nuffnang PH: Oppo F1s Blog Contest. Ako'y hindi binayaran upang isulat ang tungkol dito pero ako ay may pagkakataong manalo nang Oppo F1s. Pag-aari ko ang ibang imahe sa aking akda ngunit ang iba naman ay pagmamay-ari nang Oppo website F1s. Walang kahit na anumang affiliate link ang nakalagay dito sa akdang ito.

2 comments:

  1. Love this entry! HAHA good luck!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hehe. Salamat. Sayang ang competition kung hindi susubukan.

      Delete