Tula Na Inaalay Para Sa’yo

Huwag mo sanang tanggihan mahal ko
Pag-ibig na alay ko para sa’yo
Ikaw lang ang hangad na makasama
Mula ngayon hanggang sa pagtanda.

Kilos ko sana’y iyong pagmasdan
At makikitang sa’yo lang nakalaan
Ang pusong ito na iisa lang ang laman
Ikaw lang ngayon at magpakailanman.

Habang nililikha ko ang tulang ito
Ikaw ang tanging laman ng isipan ko
na hangad na ako’y mahalin din
At pangako ito’y hindi sasayangin.

Kung iyong iintindihin ang tulang ito
napaka simple at mukhang nambobola pa ako
subalit kung iyong matatanto
puso ko’y ginamit sa paglikha nito.

Hindi ko ito ginawa upang ika’y mabighani
Nais ko lamang na malaman mo ang hindi ko masabi
Mahal na mahal kita kahit ganito lang ako
At mamahalin pa sa bawat araw na tatahakin ko.

No comments