Janno Ronaldo Gibbs

Photo Courtesy: GMA Network
O Mokong! Mokong! Mokong!
Batikusin ka man nila ng matinde
Sa matagal na panahon nama'y ika'y naging magaling na komedyante
At masasabi kong isa kang batikan sa pag-arte.

Sa dami ng aking napanuod at tinangkilik
Pakiramdam ko tuloy ika'y aking kaibigang matalik
Nais talaga kitang makadaupang-palad
Ngunit sa dami ng iyong fans, walang ibang magawa kundi ang mangarap.

Paborito kong iyong Pedro Penduko
Bakit ako'y hindi nagsasawa kahit paulit-ulit pa ito
Kiliti ng marami ay talagang kuhang-kuha mo
Sa sobrang galing mo sa comedy ay tila natural na sa iyo.

Weyt a minit, kapeng mainit
Tuwing ika'y pinapanuod ako'y namimilipit
Sa sobrang tuwa sa'yo, sa aking katabi ako ay napapakapit
Lalo na kapag sa eksena ikaw na ang sasambit.

Ikaw man ay maging JuanTed
'Wag mag-alala, sapagkat marami pa ring sa iyo ay supported
Bumanggit ka lang ng linya at masasabing "very well said"
Sapagkat sa pag-arte ay hindi ka lang pang-comedy kundi pang-assorted.

Mga patawa mo'y parang Ober da Bakod
Bata man o matanda ay siguradong pinapanuod
Maituturing na ngang klasik ang mga ito
Ngunit sigurado akong pati mga magiging anak ko
Ibabahagi ang mga natatanging gawa mo.

Ito lamang ang mga gustong sabihin ko
Huling banat ko na ito para sa'yo
Sana ay patuloy ka pang gumawa ng mga awitin
Na siguradong pakikinggan ng marami dahil napaka-inspring.

No comments