Oh, Dakila Naming Mga Guro

Kayo ang aming pangalawang magulang,
Sa paaralan walang katulad malamang,
Kung makapangaral ay wagas na wagas,
Boses ay sa patalim pa mas matalas,

Ngunit lahat ng ‘yan ay para sa amin,
Para aming isip ay tumalas man din,
Upang mga pangarap aming matamo,
At aming ipararanas sa mundong ‘to,

Mabuting asal na inyong itinuro,
At galing mula sa mataba nyong puso,
Sa amin kayo’y nagpakita ng bait,
‘ding-hindi namin kayo ipagpapalit,

Patuloy pa namin kayong tutularan,
At aming hahangaan magpakailanman,
Inyong pangalan man ay makalimutan,
Alaala nati’y ‘di mapapantayan,

At habang buhay nang tatatak sa amin,
kahit panaho’y hindi kayang burahin,
Tawagin na lang ako sa ngalang Carlo,
Mula sa pangkat HOSEA-ng bibong bibo,
Ang lumikha nang nag-iisang tulang ‘to,
Para sa dakila naming mga guro.

No comments