Pag-ibig sa Modernong Panahon


Pag-ibig,
Ang salitang nangingibabaw sa buong daigdig
Na siguradong mararamdaman ng bawat nilalang
At kanilang haharapin kung sinuman at anuman ang humadlang.

Sa modernong panahon, ito pa rin ang nangingibabaw para sa iilan
Ngunit sa iba naman ay nawala na ang tunay na kahulugan
At iyan ay pinatunayan na ng mga panahong nagdaan.

​Ayoko mang ikumpara ang mga matatandang kwento tungkol sa pag-iibigan
Na pawang pagmamahalan lamang ang nananaig sa sanlibutan
At iyan ang nawala sa panahon ngayon na kinatatayuan
Sapagkat sa araw-araw na pagbukas ko ng aking social media account
Kaliwa't kanan ang hugot ng mga millennial na kabataan
Dahil ang kanilang mga mahal ay sila nang nilisan
Ginawa naman daw nila ang lahat ng paraan
Upang mapatunayan lamang ang kanilang nararamdaman
Ngunit sa kabila nito ay sila pa rin ang naiwanan
Ng mga taong hindi naman karapat-dapat
Sa pagmamahal nila na walang ibang ninanais kundi ang kanilang makatapat
Ang taong nakatadhana sa kanilang kapalaran
Na magbibigay nang walang-hanggang pagmamahal at kasiyahang magpakailanman.

Sa salitang forever ay naniniwala pa rin ang iilan
Ngunit marami na rin ang lumimot nito dahil sa napakaraming kadahilanan
Kanilang sinasabi na ang mga tao sa panahong ito ay puro na manloloko
At wala ng natira upang magmahal ng labis at walang halong biro
Tama, sa panahon ngayon napakarami na talaga ng pabiro kung magmahal
Puro pagnanasa ng laman ang kanilang pinapairal
Nagdaan na ang maraming taon sa bansang ito
Ang lahat ng bagay pati na ang paraan ng pagmamahal ay nagbabago
Ngunit wala na tayong ibang magagawa kundi ang sumabay sa agos ng panahon
At wala na akong ibang maipapayo kundi ang mag-move on.

Tama, kapatid. Move on!
At hanapin ang karapat-dapat at ang pagmamahal ay sa kanila ituon
Huwag magpabihag sa pait ng nakaraan
Na sa paniniwala natin sa tunay na pag-ibig ay isang kasiraan
Gayunma'y gamitin itong inspirasyon
At pag-aralan ang mga mali sa nakalipas na relasyon
Upang sa taong magpapahalaga sa iyo ng lubos
Ang tunay na pagmamahal ay sa kanila ibuhos
Nang walang pangamba na baka ito ay matapos
Sa halip ay ugaliin na kapag ikaw ay nasa isang relasyon
Laging iisipin na nasa inyong dalawang pagsisikap kung ito ay mananatili nang pang habang panahon.

No comments