About the Author

Ako'y tutula
Mahabang-mahaba
Ako'y uupo
Tapos na po.

Lintik na surot
Sundot ng sundot
Ako'y napautot
Namatay sa bantot.

Ako'y isang artista
Ay hindi pala
Ako'y isang modelo
Ay naku! Mali pa rin po
Ang tanging alam ko
Ay ako'y talagang guwapo.

Ako'y magsusulat ng kung anu-ano
Nais lamang ay maantig ang inyong puso
Kung sakaling hindi naman
Magkibit-balikat na lamang
At isipin na hindi ka nawalan.

Ako nga po pala ang Makatang Ewan. Bansagan niyo na lang sa kung anu-anong pangngalan, sapagkat kahit na anuman yan,  wala akong pakialam sapagkat kahit ang pangngalan ko ay wala akong alam.

Magulo po ang tungkol sa akin, ano? 'Wag po mag-alala dahil hindi naman nababase ang ganda ng mga akda sa pangngalan ng gumawa kundi sa mga naisulat at nakaaantig na katha. Maraming salamat po.

No comments