Sagot ni Duterte sa Netizens tungkol sa kaniyang 'Oxygen Converter'

Image courtesy: Manases Carpio

Agad na napansin ng mga netizens ang health-related machine sa litrato na kuha ng kaniyang apo nung kaarawan nito.

Sinabi nito sa mga opisyal ng Malacañang na ito ay 'oxygen converter' upang maibsan ang mga nararamdamang sakit ng Pangulo.

Ngunit binanggit ng Pangulo na dati na nitong isina-publiko ang sakit na nararamdaman dahil sa paninigarilyo nito dati.

"'Di ba sinabi ko sa inyo I never lied. Tinanong ako sa (pre-election) debates, anong sakit mo? Sabi ko, Barrett sa inom, pati Buerger's because of smoking. Ang circulation ko, hindi maganda, lack of oxygenation. Pagtulog ko, nakasaksak ako (sa oxygen concentrator)," wika niya.

"Ang brain ko raw suffers lack of oxygenation. Matagal ko nang sinabi iyan," dagdag pa nito.

Binanggit pa nga ng Pangulo na gamitin dapat ng mga babae ito habang natutulog.

"Use it kasi kung babae ka, para gumanda ka lalo, mas maraming temptasyon," ani niya.

Marami ang bumatikos at marami rin ang nag-alala para sa Pangulo. Kumalat ang litrato sa social media at nag-ani nang iba't-ibang reaksyon at opinyon.

No comments